ANG MAKATA
Ako ay tumutula.
Sandata ko'y salita.
Hangad ko ay paglaya.
ANG KERIDA
Ako'y manghahalina
Upang hindi makita
Ang pusong nagdurusa.
ANG MUSMOS
Hindi ako busabos!
Kelan ba matatapos
Itong pamamalimos?
ANG NANAY
P'wedeng nasa labada,
P'wedeng puro lang tsika,
P'wedeng wala ring kwenta.
ANG KARPINTERO
'Di na 'ko aasenso
Tanging mga kasalo
Ko'y pako at martilyo.
ANG DALAGITA
Ako'y matatagpuang
Nakikipaghalikan
Doon sa kahit saan.
ANG BANAL
Rosaryo sa bintana
Upang sila'y humanga't
Mabulag sa akala.
Tungkol sa Blog
Magandang araw sa'yo!
Maraming salamat sa pagbisita sa aking munting espasyo ng kalayaan. :)
Nais kong ipabatid na ang pangunahing dahilan kaya binuo ang blog na ito ay ang ang makatugon sa kahingian ng kursong Filipino 12 Sining ng Pakikipagtalastasan sa ilalim ng klase ni Dr. Edgar Calabia Samar. Ngunit dala na rin ng pagkakataong binibigay sa akin ng blog na ito, dito ko na rin malayang ihahayag ang aking mga kaisipan, saloobin, o opinyon tungkol sa kahit anong bagay sa ilalim ng araw. Rerespetuhin ko ang anumang magiging opinyon ng sinumang mambabasa ukol sa aking mga pahayag ngunit iyon ay kung kanila ring igagalang ang ang aking mga karapatan bilang isang blogger.
Iyun lamang po! Nawa'y sumainyo ang Panginoon saan man kayo naroroon. :D
Iyun lamang po! Nawa'y sumainyo ang Panginoon saan man kayo naroroon. :D