Tungkol sa Blog

Magandang araw sa'yo!

Maraming salamat sa pagbisita sa aking munting espasyo ng kalayaan. :)
Nais kong ipabatid na ang pangunahing dahilan kaya binuo ang blog na ito ay ang ang makatugon sa kahingian ng kursong Filipino 12 Sining ng Pakikipagtalastasan sa ilalim ng klase ni Dr. Edgar Calabia Samar. Ngunit dala na rin ng pagkakataong binibigay sa akin ng blog na ito, dito ko na rin malayang ihahayag ang aking mga kaisipan, saloobin, o opinyon tungkol sa kahit anong bagay sa ilalim ng araw. Rerespetuhin ko ang anumang magiging opinyon ng sinumang mambabasa ukol sa aking mga pahayag ngunit iyon ay kung kanila ring igagalang ang ang aking mga karapatan bilang isang blogger.

Iyun lamang po! Nawa'y sumainyo ang Panginoon saan man kayo naroroon. :D

Friday, March 15, 2013

Kasaysayan ng Daigdig - Ang Lumikha at Sumira (Lipogram on E)

                                                                             
"...Liwanag..."

Nagsimula ang lahat

Dahil sa Kanyang pagbigkas.

Salita Niya'y nagtakda ng pagkalikha.

Nauna ay lupa, tubig, kabuuan ng daigdig.

Sumunod ang mga halaman, hayop, isda, at ibon...

Lahat ng magaganda't halos wala na ngayon.

Hindi lumaon ay nilikha rin Niya tayo.

Hindi lumaon, nilikha ang tao.

Pagkatapos no'n...

Kasalanan..

Hirap!

Gulo!

At...

                                                                             


Sunday, March 10, 2013

NIIG AT MOMOL: Relasyon VS Sekswal na Aksyon

BABALA!*with matching sound effects* Ang 'programang" ito ay Rated SPG: Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror, o droga na hindi angkop sa mga bata.

Pamilyar ba sa 'yo ang salitang "niig"? Ano ang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing naririnig mo ang salitang 'pakikipagniig'?

Ito ba?
Rocco Nacino at Lovi Poe, sa Kontrobersyal na Party Pilipinas Episode.
Sa Philippine television pa talaga ha?


Ito...?
Derek Ramsay at Anne Curtis sa A Secret Affair.



O 'di kaya naman ay ito?

Robert Pattinson at...Kristen Stewart?
Kahit ang sourcce ko hindi alam!
TEKA MUNA! Bago pa man kung anong mas malaswang imahe ang mabuo sa isipan mo, subukan mo naman tingnan ang mga larawang ito.



Maituturing bang pagniniig ang mga ginagawa ng mga magkasintahan sa itaas?

Sa panahon ngayon, marahil ang unang tatlong larawan lamang ang maituturing  na pakikipagniig. Madalas kasi, iisa na lamang ang pagpapakahulugan natin sa pakikipagniig, pakikipagtalik, at ang bagong salitang natutunan ko na "MOMOL". (Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikahiya ang panibagong nadadagdag sa bokabularyo ko!)

Ano ba talaga ang "NIIG"?


Ayon sa Periplus Pocket Tagalog Dictionary, ang niig daw ay "intimate conversation". Bukod sa karaniwan na ngang gamit nito sa modernong panahon kaugnay ng mga sekswal na aksyon, magagamit rin ito upang iglarawan ang pribadong pag-uusap sa pagitan ng mga mag-asawa (pagniniig mag-asawa). Mayroon na tayong salitang "niig" noon pa lamang panahon ni Balagtas. Matatagpuan ang ilan pang paggamit ng salita sa ilang bahagi ng Florante at Laura (hal. pakikipagniig sa aking musa o conversing with my muse; naniniig sa pagkagulaylay o taking one's time while one is exhausted/impotent).

Bagama't hindi na ito ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan (hal. "Kamusta naman kaniig ang haliparot mong boyfriend?"), pamilyar sa akin ang salitang "niig". Una ko itong narinig noong minsan akong nanood ng Amaya - ang kauna-unahang epicserye [kuno] ng GMA7. Sa pakiwari ko noon ay pareho lamang ang kahulugan nito sa 'pakikipatalik'. Hindi kalaunan ay napanood ko ang isang eksena sa pagitan ng mga karakter nila Rochelle Pangilinan, Marian Rivera, at Sid Lucero. Nahuli ni Marikit (Pangilinan) ang lihim na pagkikita nila Amaya (Rivera) at Bagani (Lucero) at matapos matunghayang nag-uusap (nag-uusap lamang!) ang dalawa ay umuwi siya sa kanyang ina na puno ng pighati - sinasabing pinagtaksilan siya ni Bagani dahil "nakipagniig" ito kay Amaya. Noon ko napagtanto na na iba ang tanaw o kontekstong pinagmumulan nito sa sinaunang pananaw ng mga katutubong Pilipino.

Pakikipagniig: Relasyon VS Sekswal na Akson


Ayon sa bagong pagkakaunawa ko rito, ang 'pakikipagniig' ay tunay ngang gawain na dapat na sa kasintahan mo lamang ginagawa. Hindi ito basta pagtugon sa tawag ng laman at sa isang taong pinahahalagahan mo lamang ito dapat ginagawa. Ito siguro ang mainam na paliwanag sa naging reaksiyon ni Marikit sa natunghayang tagpo.

Ang pagniniig ay maaaring gawin sa pag-uusap lamang. Kamustahan, pagpaparamdam ng nararamdaman sa isa't isa. Noon pa man, may konsepto na ang mga Pilipino ng pagpapahalaga na dapat, sa isang relasyon, ay may mga panahon ang mga magsing-irog na para lamang sa kanilang dalawa. Private or intimate moments, o cuddle-cuddle lang, kuwentuhan lang ng mga nangyayari sa buhay. Ayos, hindi ba? :)

Kung wasto ang pagsunod ng Amaya sa panahong tampok sa tagpuan ng kuwento, mahihinuha nating ang salitang 'niig' ay nauna pa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa ating bayan. Kung gayon, ang salitang 'niig' ay patunay na noon pa man, mahalaga na para sa mga magkasintahang Pilipino ang maglaan ng oras para sa isa't isa. Marahil hindi nga pakikipagtalik ang eksaktong pagpapakahulugan ng mga katutubo sa pakikipagniig ngunit ito na siguro ang pinaka-"intimate" na ginagawa nila kasama ang iniirog. Ang "pagniniig" ay simpleng pakikipag-usap lamang ngunit madalas na ito ay ginagamit lamang kapag magkasintahan o may malalim na relasyon ang mga taong tinutukoy na gumagawa nito.

MOMOL: Relasyon o Sekswal na Aksyon?


Sa panahon ngayon, ang uso ay ang relasyon (relasyon??) na tinatawag na "Make Out Make Out Lang" o sa madaling salita ay MOMOL. Ang nasabi ko na lamang nong natuklasan ko ang salitang ito, "Aba! May gano'n pang nalalaman ang mga tao ngayon?!" Isang programa sa GMA News TV, ang Best Men, ang nagtampok nito bilang paksa sa isang episode. (Narito ang link sa gustong mapanood ito ng buo: http://www.youtube.com/watch?v=SlN3F9ZI73w) Hindi pa rin talaga malinaw kung ano ba ang MOMOL: tumutukoy ba talaga ito sa relasyon? Ayon sa sociologist na nakapanayam sa naturang programa, hindi mo ito matitiyak dahil sa salitang "lang". Mas safe kung sasabihing aksyon o verb lamang ang MOMOL, lalo pa't hindi dapat hinahalo ang malisya o tunay na pag-ibig dito. Dagdag pa ng sociologist, ipinapakita ng bagong terminong ito ang takot ng mga Pilipino sa pagpasok sa relasyon. Halimbawa, hindi masabi ng mga kalalakihan na opisyal silang nanliligaw upang kung hindi mahulog ang mga babae sa kanila, ang magiging excuse nila ay "Momol-momol lang naman kami eh." Walang commitment. Ganito na ang ideal na relasyon ngayon, marahil dahil na rin sa takot na masaktan ngunit lalo naman nitong pinahihirapan ang tao na makilala kung sino ba ang seryoso sa kanya at kung sino ang sadyang "mahilig" lamang.

Pakikipagniig o MOMOL?


Kasabay ng paglaho ng salitang "niig" ay unti-unti na ring nawawala ang pagpapahalaga natin na dapat, mga magkasintahan lamang ang gumagawa ng mga bagay na maituturing na "intimate". Kung noon ay dapat maging magnobyo't nobya muna bago kayo makapag-sweet-sweet-an, ngayon ay lampungan at harutan na ang nauuna bago totoong relasyon at commitment! Sana ay ibalik natin ang mahalagang value na ito upang maiwasan na rin ang sakitan. Upng sa huli, maiwasan ang pagiging assuming na humahantong sa mangiyakngiyak na pagsasabing "Pinaasa n'ya lang ako!" (Ito kasi ang drama naminng mga teenager ngayon eh!) Iwas po sa mga relasyong "Momol-momol" lang kung ang hanap mo ay tunay na pag-ibig.

^Isang payong kapatid mula sa akin! Ingat! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mga Sanggunian:

Tagaloglang.com (http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/naniniig.html)

Periplus Pocket Tagalog Dictionary (http://books.google.com.ph/books?id=4X1Musto3h0C&pg=PA23&lpg=PA23&dq=niig+filipino&source=bl&ots=r5K68KMJJk&sig=hHbHjGBq0wDCS52aPm-q6qlqVHo&hl=en&sa=X&ei=SI48UZnTB8TqrAex5ICoAg&ved=0CFQQ6AEwBQ#v=onepage&q=niig%20filipino&f=false)

Pinagmulan ng mga Larawan:

Rocco & Lovi: http://www.theentertainmentlifestyle.com/2013/02/lovi-poe-rocco-nacinos-lewd-sexy-dance.html
Derek & Anne: http://www.purlp.com/2012/10/a-secret-affair-uncut-official-video.html
Robert Pattinson: http://robpattzandkrisstew.blogspot.com/2012_03_25_archive.html
Huling Apat: http://www2.mdanderson.org/cancerwise/2009/12/
http://gottmantherapist.wordpress.com/
http://collegecandy.com/2009/10/29/coupled-the-real-relationship-milestones/
http://blog.the-intimate-couple.com/2011/02/17/intimate-conversation/