Exodus: Paglaya Mula sa Pananahimik, Paglalakbay sa Mundo ng Filipino 12
Tungkol sa Blog
Magandang araw sa'yo!
Maraming salamat sa pagbisita sa aking munting espasyo ng kalayaan. :)
Nais kong ipabatid na ang pangunahing dahilan kaya binuo ang blog na ito ay ang ang makatugon sa kahingian ng kursong Filipino 12 Sining ng Pakikipagtalastasan sa ilalim ng klase ni Dr. Edgar Calabia Samar. Ngunit dala na rin ng pagkakataong binibigay sa akin ng blog na ito, dito ko na rin malayang ihahayag ang aking mga kaisipan, saloobin, o opinyon tungkol sa kahit anong bagay sa ilalim ng araw. Rerespetuhin ko ang anumang magiging opinyon ng sinumang mambabasa ukol sa aking mga pahayag ngunit iyon ay kung kanila ring igagalang ang ang aking mga karapatan bilang isang blogger.
Iyun lamang po! Nawa'y sumainyo ang Panginoon saan man kayo naroroon. :D

Friday, March 15, 2013
Kasaysayan ng Daigdig - Ang Lumikha at Sumira (Lipogram on E)
"...Liwanag..."
Nagsimula ang lahat
Dahil sa Kanyang pagbigkas.
Salita Niya'y nagtakda ng pagkalikha.
Nauna ay lupa, tubig, kabuuan ng daigdig.
Sumunod ang mga halaman, hayop, isda, at ibon...
Lahat ng magaganda't halos wala na ngayon.
Hindi lumaon ay nilikha rin Niya tayo.
Hindi lumaon, nilikha ang tao.
Pagkatapos no'n...
Kasalanan..
Hirap!
Gulo!
At...
Sunday, March 10, 2013
NIIG AT MOMOL: Relasyon VS Sekswal na Aksyon
BABALA!*with matching sound effects* Ang 'programang" ito ay Rated SPG: Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror, o droga na hindi angkop sa mga bata.
Pamilyar ba sa 'yo ang salitang "niig"? Ano ang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing naririnig mo ang salitang 'pakikipagniig'?
Ito ba?
Ito...?
O 'di kaya naman ay ito?
TEKA MUNA! Bago pa man kung anong mas malaswang imahe ang mabuo sa isipan mo, subukan mo naman tingnan ang mga larawang ito.
Maituturing bang pagniniig ang mga ginagawa ng mga magkasintahan sa itaas?
Sa panahon ngayon, marahil ang unang tatlong larawan lamang ang maituturing na pakikipagniig. Madalas kasi, iisa na lamang ang pagpapakahulugan natin sa pakikipagniig, pakikipagtalik, at ang bagong salitang natutunan ko na "MOMOL". (Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikahiya ang panibagong nadadagdag sa bokabularyo ko!)
Ayon sa Periplus Pocket Tagalog Dictionary, ang niig daw ay "intimate conversation". Bukod sa karaniwan na ngang gamit nito sa modernong panahon kaugnay ng mga sekswal na aksyon, magagamit rin ito upang iglarawan ang pribadong pag-uusap sa pagitan ng mga mag-asawa (pagniniig mag-asawa). Mayroon na tayong salitang "niig" noon pa lamang panahon ni Balagtas. Matatagpuan ang ilan pang paggamit ng salita sa ilang bahagi ng Florante at Laura (hal. pakikipagniig sa aking musa o conversing with my muse; naniniig sa pagkagulaylay o taking one's time while one is exhausted/impotent).
Bagama't hindi na ito ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan (hal. "Kamusta naman kaniig ang haliparot mong boyfriend?"), pamilyar sa akin ang salitang "niig". Una ko itong narinig noong minsan akong nanood ng Amaya - ang kauna-unahang epicserye [kuno] ng GMA7. Sa pakiwari ko noon ay pareho lamang ang kahulugan nito sa 'pakikipatalik'. Hindi kalaunan ay napanood ko ang isang eksena sa pagitan ng mga karakter nila Rochelle Pangilinan, Marian Rivera, at Sid Lucero. Nahuli ni Marikit (Pangilinan) ang lihim na pagkikita nila Amaya (Rivera) at Bagani (Lucero) at matapos matunghayang nag-uusap (nag-uusap lamang!) ang dalawa ay umuwi siya sa kanyang ina na puno ng pighati - sinasabing pinagtaksilan siya ni Bagani dahil "nakipagniig" ito kay Amaya. Noon ko napagtanto na na iba ang tanaw o kontekstong pinagmumulan nito sa sinaunang pananaw ng mga katutubong Pilipino.
Ayon sa bagong pagkakaunawa ko rito, ang 'pakikipagniig' ay tunay ngang gawain na dapat na sa kasintahan mo lamang ginagawa. Hindi ito basta pagtugon sa tawag ng laman at sa isang taong pinahahalagahan mo lamang ito dapat ginagawa. Ito siguro ang mainam na paliwanag sa naging reaksiyon ni Marikit sa natunghayang tagpo.
Ang pagniniig ay maaaring gawin sa pag-uusap lamang. Kamustahan, pagpaparamdam ng nararamdaman sa isa't isa. Noon pa man, may konsepto na ang mga Pilipino ng pagpapahalaga na dapat, sa isang relasyon, ay may mga panahon ang mga magsing-irog na para lamang sa kanilang dalawa. Private or intimate moments, o cuddle-cuddle lang, kuwentuhan lang ng mga nangyayari sa buhay. Ayos, hindi ba? :)
Kung wasto ang pagsunod ng Amaya sa panahong tampok sa tagpuan ng kuwento, mahihinuha nating ang salitang 'niig' ay nauna pa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa ating bayan. Kung gayon, ang salitang 'niig' ay patunay na noon pa man, mahalaga na para sa mga magkasintahang Pilipino ang maglaan ng oras para sa isa't isa. Marahil hindi nga pakikipagtalik ang eksaktong pagpapakahulugan ng mga katutubo sa pakikipagniig ngunit ito na siguro ang pinaka-"intimate" na ginagawa nila kasama ang iniirog. Ang "pagniniig" ay simpleng pakikipag-usap lamang ngunit madalas na ito ay ginagamit lamang kapag magkasintahan o may malalim na relasyon ang mga taong tinutukoy na gumagawa nito.
Sa panahon ngayon, ang uso ay ang relasyon (relasyon??) na tinatawag na "Make Out Make Out Lang" o sa madaling salita ay MOMOL. Ang nasabi ko na lamang nong natuklasan ko ang salitang ito, "Aba! May gano'n pang nalalaman ang mga tao ngayon?!" Isang programa sa GMA News TV, ang Best Men, ang nagtampok nito bilang paksa sa isang episode. (Narito ang link sa gustong mapanood ito ng buo: http://www.youtube.com/watch?v=SlN3F9ZI73w) Hindi pa rin talaga malinaw kung ano ba ang MOMOL: tumutukoy ba talaga ito sa relasyon? Ayon sa sociologist na nakapanayam sa naturang programa, hindi mo ito matitiyak dahil sa salitang "lang". Mas safe kung sasabihing aksyon o verb lamang ang MOMOL, lalo pa't hindi dapat hinahalo ang malisya o tunay na pag-ibig dito. Dagdag pa ng sociologist, ipinapakita ng bagong terminong ito ang takot ng mga Pilipino sa pagpasok sa relasyon. Halimbawa, hindi masabi ng mga kalalakihan na opisyal silang nanliligaw upang kung hindi mahulog ang mga babae sa kanila, ang magiging excuse nila ay "Momol-momol lang naman kami eh." Walang commitment. Ganito na ang ideal na relasyon ngayon, marahil dahil na rin sa takot na masaktan ngunit lalo naman nitong pinahihirapan ang tao na makilala kung sino ba ang seryoso sa kanya at kung sino ang sadyang "mahilig" lamang.
Kasabay ng paglaho ng salitang "niig" ay unti-unti na ring nawawala ang pagpapahalaga natin na dapat, mga magkasintahan lamang ang gumagawa ng mga bagay na maituturing na "intimate". Kung noon ay dapat maging magnobyo't nobya muna bago kayo makapag-sweet-sweet-an, ngayon ay lampungan at harutan na ang nauuna bago totoong relasyon at commitment! Sana ay ibalik natin ang mahalagang value na ito upang maiwasan na rin ang sakitan. Upng sa huli, maiwasan ang pagiging assuming na humahantong sa mangiyakngiyak na pagsasabing "Pinaasa n'ya lang ako!" (Ito kasi ang drama naminng mga teenager ngayon eh!) Iwas po sa mga relasyong "Momol-momol" lang kung ang hanap mo ay tunay na pag-ibig.
^Isang payong kapatid mula sa akin! Ingat! :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga Sanggunian:
Tagaloglang.com (http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/naniniig.html)
Periplus Pocket Tagalog Dictionary (http://books.google.com.ph/books?id=4X1Musto3h0C&pg=PA23&lpg=PA23&dq=niig+filipino&source=bl&ots=r5K68KMJJk&sig=hHbHjGBq0wDCS52aPm-q6qlqVHo&hl=en&sa=X&ei=SI48UZnTB8TqrAex5ICoAg&ved=0CFQQ6AEwBQ#v=onepage&q=niig%20filipino&f=false)
Pinagmulan ng mga Larawan:
Rocco & Lovi: http://www.theentertainmentlifestyle.com/2013/02/lovi-poe-rocco-nacinos-lewd-sexy-dance.html
Derek & Anne: http://www.purlp.com/2012/10/a-secret-affair-uncut-official-video.html
Robert Pattinson: http://robpattzandkrisstew.blogspot.com/2012_03_25_archive.html
Huling Apat: http://www2.mdanderson.org/cancerwise/2009/12/
http://gottmantherapist.wordpress.com/
http://collegecandy.com/2009/10/29/coupled-the-real-relationship-milestones/
http://blog.the-intimate-couple.com/2011/02/17/intimate-conversation/
Pamilyar ba sa 'yo ang salitang "niig"? Ano ang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing naririnig mo ang salitang 'pakikipagniig'?
Ito ba?
Rocco Nacino at Lovi Poe, sa Kontrobersyal na Party Pilipinas Episode. Sa Philippine television pa talaga ha? |
Derek Ramsay at Anne Curtis sa A Secret Affair. |
O 'di kaya naman ay ito?
Robert Pattinson at...Kristen Stewart? Kahit ang sourcce ko hindi alam! |
Maituturing bang pagniniig ang mga ginagawa ng mga magkasintahan sa itaas?
Sa panahon ngayon, marahil ang unang tatlong larawan lamang ang maituturing na pakikipagniig. Madalas kasi, iisa na lamang ang pagpapakahulugan natin sa pakikipagniig, pakikipagtalik, at ang bagong salitang natutunan ko na "MOMOL". (Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikahiya ang panibagong nadadagdag sa bokabularyo ko!)
Ano ba talaga ang "NIIG"?
Ayon sa Periplus Pocket Tagalog Dictionary, ang niig daw ay "intimate conversation". Bukod sa karaniwan na ngang gamit nito sa modernong panahon kaugnay ng mga sekswal na aksyon, magagamit rin ito upang iglarawan ang pribadong pag-uusap sa pagitan ng mga mag-asawa (pagniniig mag-asawa). Mayroon na tayong salitang "niig" noon pa lamang panahon ni Balagtas. Matatagpuan ang ilan pang paggamit ng salita sa ilang bahagi ng Florante at Laura (hal. pakikipagniig sa aking musa o conversing with my muse; naniniig sa pagkagulaylay o taking one's time while one is exhausted/impotent).
Bagama't hindi na ito ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan (hal. "Kamusta naman kaniig ang haliparot mong boyfriend?"), pamilyar sa akin ang salitang "niig". Una ko itong narinig noong minsan akong nanood ng Amaya - ang kauna-unahang epicserye [kuno] ng GMA7. Sa pakiwari ko noon ay pareho lamang ang kahulugan nito sa 'pakikipatalik'. Hindi kalaunan ay napanood ko ang isang eksena sa pagitan ng mga karakter nila Rochelle Pangilinan, Marian Rivera, at Sid Lucero. Nahuli ni Marikit (Pangilinan) ang lihim na pagkikita nila Amaya (Rivera) at Bagani (Lucero) at matapos matunghayang nag-uusap (nag-uusap lamang!) ang dalawa ay umuwi siya sa kanyang ina na puno ng pighati - sinasabing pinagtaksilan siya ni Bagani dahil "nakipagniig" ito kay Amaya. Noon ko napagtanto na na iba ang tanaw o kontekstong pinagmumulan nito sa sinaunang pananaw ng mga katutubong Pilipino.
Pakikipagniig: Relasyon VS Sekswal na Akson
Ayon sa bagong pagkakaunawa ko rito, ang 'pakikipagniig' ay tunay ngang gawain na dapat na sa kasintahan mo lamang ginagawa. Hindi ito basta pagtugon sa tawag ng laman at sa isang taong pinahahalagahan mo lamang ito dapat ginagawa. Ito siguro ang mainam na paliwanag sa naging reaksiyon ni Marikit sa natunghayang tagpo.
Ang pagniniig ay maaaring gawin sa pag-uusap lamang. Kamustahan, pagpaparamdam ng nararamdaman sa isa't isa. Noon pa man, may konsepto na ang mga Pilipino ng pagpapahalaga na dapat, sa isang relasyon, ay may mga panahon ang mga magsing-irog na para lamang sa kanilang dalawa. Private or intimate moments, o cuddle-cuddle lang, kuwentuhan lang ng mga nangyayari sa buhay. Ayos, hindi ba? :)
Kung wasto ang pagsunod ng Amaya sa panahong tampok sa tagpuan ng kuwento, mahihinuha nating ang salitang 'niig' ay nauna pa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa ating bayan. Kung gayon, ang salitang 'niig' ay patunay na noon pa man, mahalaga na para sa mga magkasintahang Pilipino ang maglaan ng oras para sa isa't isa. Marahil hindi nga pakikipagtalik ang eksaktong pagpapakahulugan ng mga katutubo sa pakikipagniig ngunit ito na siguro ang pinaka-"intimate" na ginagawa nila kasama ang iniirog. Ang "pagniniig" ay simpleng pakikipag-usap lamang ngunit madalas na ito ay ginagamit lamang kapag magkasintahan o may malalim na relasyon ang mga taong tinutukoy na gumagawa nito.
MOMOL: Relasyon o Sekswal na Aksyon?
Sa panahon ngayon, ang uso ay ang relasyon (relasyon??) na tinatawag na "Make Out Make Out Lang" o sa madaling salita ay MOMOL. Ang nasabi ko na lamang nong natuklasan ko ang salitang ito, "Aba! May gano'n pang nalalaman ang mga tao ngayon?!" Isang programa sa GMA News TV, ang Best Men, ang nagtampok nito bilang paksa sa isang episode. (Narito ang link sa gustong mapanood ito ng buo: http://www.youtube.com/watch?v=SlN3F9ZI73w) Hindi pa rin talaga malinaw kung ano ba ang MOMOL: tumutukoy ba talaga ito sa relasyon? Ayon sa sociologist na nakapanayam sa naturang programa, hindi mo ito matitiyak dahil sa salitang "lang". Mas safe kung sasabihing aksyon o verb lamang ang MOMOL, lalo pa't hindi dapat hinahalo ang malisya o tunay na pag-ibig dito. Dagdag pa ng sociologist, ipinapakita ng bagong terminong ito ang takot ng mga Pilipino sa pagpasok sa relasyon. Halimbawa, hindi masabi ng mga kalalakihan na opisyal silang nanliligaw upang kung hindi mahulog ang mga babae sa kanila, ang magiging excuse nila ay "Momol-momol lang naman kami eh." Walang commitment. Ganito na ang ideal na relasyon ngayon, marahil dahil na rin sa takot na masaktan ngunit lalo naman nitong pinahihirapan ang tao na makilala kung sino ba ang seryoso sa kanya at kung sino ang sadyang "mahilig" lamang.
Pakikipagniig o MOMOL?
Kasabay ng paglaho ng salitang "niig" ay unti-unti na ring nawawala ang pagpapahalaga natin na dapat, mga magkasintahan lamang ang gumagawa ng mga bagay na maituturing na "intimate". Kung noon ay dapat maging magnobyo't nobya muna bago kayo makapag-sweet-sweet-an, ngayon ay lampungan at harutan na ang nauuna bago totoong relasyon at commitment! Sana ay ibalik natin ang mahalagang value na ito upang maiwasan na rin ang sakitan. Upng sa huli, maiwasan ang pagiging assuming na humahantong sa mangiyakngiyak na pagsasabing "Pinaasa n'ya lang ako!" (Ito kasi ang drama naminng mga teenager ngayon eh!) Iwas po sa mga relasyong "Momol-momol" lang kung ang hanap mo ay tunay na pag-ibig.
^Isang payong kapatid mula sa akin! Ingat! :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga Sanggunian:
Tagaloglang.com (http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/naniniig.html)
Periplus Pocket Tagalog Dictionary (http://books.google.com.ph/books?id=4X1Musto3h0C&pg=PA23&lpg=PA23&dq=niig+filipino&source=bl&ots=r5K68KMJJk&sig=hHbHjGBq0wDCS52aPm-q6qlqVHo&hl=en&sa=X&ei=SI48UZnTB8TqrAex5ICoAg&ved=0CFQQ6AEwBQ#v=onepage&q=niig%20filipino&f=false)
Pinagmulan ng mga Larawan:
Rocco & Lovi: http://www.theentertainmentlifestyle.com/2013/02/lovi-poe-rocco-nacinos-lewd-sexy-dance.html
Derek & Anne: http://www.purlp.com/2012/10/a-secret-affair-uncut-official-video.html
Robert Pattinson: http://robpattzandkrisstew.blogspot.com/2012_03_25_archive.html
Huling Apat: http://www2.mdanderson.org/cancerwise/2009/12/
http://gottmantherapist.wordpress.com/
http://collegecandy.com/2009/10/29/coupled-the-real-relationship-milestones/
http://blog.the-intimate-couple.com/2011/02/17/intimate-conversation/
Thursday, February 28, 2013
Pitong DiOnA: Samot-saring Mukha ng mga Pilipino
ANG MAKATA
Ako ay tumutula.
Sandata ko'y salita.
Hangad ko ay paglaya.
ANG KERIDA
Ako'y manghahalina
Upang hindi makita
Ang pusong nagdurusa.
ANG MUSMOS
Hindi ako busabos!
Kelan ba matatapos
Itong pamamalimos?
ANG NANAY
P'wedeng nasa labada,
P'wedeng puro lang tsika,
P'wedeng wala ring kwenta.
ANG KARPINTERO
'Di na 'ko aasenso
Tanging mga kasalo
Ko'y pako at martilyo.
ANG DALAGITA
Ako'y matatagpuang
Nakikipaghalikan
Doon sa kahit saan.
ANG BANAL
Rosaryo sa bintana
Upang sila'y humanga't
Mabulag sa akala.
Ako ay tumutula.
Sandata ko'y salita.
Hangad ko ay paglaya.
ANG KERIDA
Ako'y manghahalina
Upang hindi makita
Ang pusong nagdurusa.
ANG MUSMOS
Hindi ako busabos!
Kelan ba matatapos
Itong pamamalimos?
ANG NANAY
P'wedeng nasa labada,
P'wedeng puro lang tsika,
P'wedeng wala ring kwenta.
ANG KARPINTERO
'Di na 'ko aasenso
Tanging mga kasalo
Ko'y pako at martilyo.
ANG DALAGITA
Ako'y matatagpuang
Nakikipaghalikan
Doon sa kahit saan.
ANG BANAL
Rosaryo sa bintana
Upang sila'y humanga't
Mabulag sa akala.
Friday, January 18, 2013
Encantadia: Alaalang Nais Balikan
Avisala!
*balik sa pakay ng post na ito*
Pamilyar ba sa 'yo ang aking naging pagbati? Kung oo, marahil ay may ngiting nagsimulang mabuo sa iyong mga labi habang binabasa mo ito. Ewan ko lang ha....pero gan'yan kasi ang nararamdaman ko sa tuwing aking nakikita ang salitang iyan saanman sa Internet. Isa lang naman ang tiyak na totoo kung pamilyar sa 'yo ang katagang bungad ng post na ito: isa ka sa mga mapalad na henerasyong nakapanood at tumuklas sa mundo ng Encantadia!
Muli kong naalala ang telefantasyang ito noong sa aming klase ay pinasulat kami ni Dr. Samar ng isang sanaysay tungkol sa mga bagay na unang nagmulat sa aming nosyon ng kung ano ba ang maganda. Agad-agad kong naisip ang programang ito na talaga namang hinahanap-hanap ko pa rin magpahanggang sa kasalukuyan. Sa totoo lang ay hindi naman ito nawala sa aking isipan - patuloy akong naghahanap ng paraan upang muling masaksihan ang hatid nitong mahika at maihayag ang lubos kong paghanga rito. Kaya naman pinilit ko talagang ito ang maging paksa ng sanaysay ko. Ang problema nga lang ay lubos akong nabitin sa sanaysay na iyon. 100 hanggang 200 salita lamang kasi ang ibinigay na limitasyon sa amin at nahirapan pa akong ihayag ang mga ideya ko dahil sa "twist" o hamong idinagdag ng aming guro sa aming pagsulat (mahabang kwento).
Ngayon, sa una kong post sa blog na ito ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong sumulat patungkol dito.
Ang Mga Bida.
Sina Amihan, Pirena, Alena, at Danaya ay hindi ko pa rin malimutan! Hinahanap-hanap ko pa rin ang mga karakter nila sa mga panibagong female protagonists ng (talaga namang napakaraming) mga programa ngayon kung saan pawang mga babae ang bida. Yung angas ng kanilang asta, yung pusong mayroon ang karakter nila...hindi ko na nakita pa muli sa kahit kaninong istorya. Gusto ko muling masilayan ang kanilang kakaibang personalidad: palaban kahit na nahihirapan, matapang kung titingnan ngunit nakararamdam pa rin naman. Ang mga babaeng ito ay hindi basta-basta. Sila ang nagpaikot sa mundo ng Encantadia at sa kaharian ng Lireo. Pinakita nilang maaari ring mamuno ang mga babae - maging sa mga digmaan. Sila ang bumago sa kung anomang maliit na pagtingin ko noon sa kababaihan.
Siyempre, hindi mawawala sa magagandang bagay na handong ng Encantadia ang kwentong may saysay at puso. Bawat karakter dito ay may mga pinagdadaanang maaaring kaawaan o kainisan ng mga manonood. Hindi gaya ng mga karaniwang kontrabida ngayon, na pinanganak na at nakatadhana na lamang na nagiging masama, ay may pinaghuhugutan ang mga antagonista: sila ay tao rin na nakararamdam - may kaluluwa at isip - at mayroon silang sariling istoryang nagpapaliwanag sa kanilang mga aksyon. Ang interaksyon ng bawat isa ay makatotohanan lamang sa kabila ng paninirahan nila sa isang mundong puno ng kahiwagaan. Ito ang tipo ng kwentong talagang susubaybayan mo! Bagaman katulad ng halos lahat ng palabas ay pag-ibig din ang sentral nitong tema, hindi ito kinukulong ang konsepto ng pagmamahal sa romantikong aspekto lamang. Nariyan ang pag-ibig ng apat na magkakapatid na Sang'gre para sa isa't isa. Kung hindi dahil dito ay matagal na sigurong nawasak ang Encantadia. Nangibabaw rin ang pagmamahal ng mga ina para sa kanilang mga anak: si Pirena sa kanyang anak na si Mira, at si Amihan sa anak niyang si Lira. Talaga namang kapupulutan ng aral ang kwento ng mga tauhan nito at ginawa nitong makulay at madamdamin ang mga gabi ng bawat Encantadik.
Sa tanang buhay ko, hindi na yata ako magmamahal ng isang serye na gaya ng naging pag-ibig ko sa Encantadia. Kung tinagurian ito noong "grandest and most ambitious production for Philippine television", walang dudang ito rin ang naging pinakamatagumpay na serye sa pagbibigay-kasiyahan sa mga manonood. Ang lahat ng bumubuo rito ay nararapat na magdiwang dahil hindi nasayang ang dugo, pawis, at panahong ginugol at inalay nila rito. Sa akin naman, ginawa nitong makulay at espesyal ang aking kabataan. Pinakilala ako nito sa mga nilalang na kahanga-hanga. Dinala ako nito sa isang mundong sa pangarap ko lang mararanasan...isang mundong sa pangarap ko na lang din madadalaw at mababalikan.
Ang APAT NA BRILYANTE: Mga Simbolo ng Kapangyarihan sa Encantadia (Larawan mula sa lionheartv.net) |
(Ito nga pala ang aking unang post! Pasensya na - wala naman talaga akong alam sa paggawa ng blog. Ngunit masaya akong nabigyan ako ng pagkakataon ng aking propesor sa Fil 12 na subukin ang ganitong gawain. Ngayon, hindi na lamang Facebook ang aking aatupagin sa tuwing haharap ako sa aking laptop. :D)
*balik sa pakay ng post na ito*
Pamilyar ba sa 'yo ang aking naging pagbati? Kung oo, marahil ay may ngiting nagsimulang mabuo sa iyong mga labi habang binabasa mo ito. Ewan ko lang ha....pero gan'yan kasi ang nararamdaman ko sa tuwing aking nakikita ang salitang iyan saanman sa Internet. Isa lang naman ang tiyak na totoo kung pamilyar sa 'yo ang katagang bungad ng post na ito: isa ka sa mga mapalad na henerasyong nakapanood at tumuklas sa mundo ng Encantadia!
Ang Apat na Bida (Larawan mula sa mypinoy.tv) |
Ngayon, sa una kong post sa blog na ito ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong sumulat patungkol dito.
Bakit ba hindi mawala sa isip ko ang Encantadia?
Mga Tauhan sa Encantadia. (Larawan mula sa tumblr post ni Elah) |
Hindi ako maka-get-over!
Iyan lang ata talaga ang mga salitang makahuhuli at eksaktong makapagsasabi sa nararamdaman ko para sa serye. Bakit nga ba nahuhumaling pa rin ako sa isang palabas na magpipitong taon nang hindi umeere sa telebisyon?

Simple lang ang sagot: hanggang ngayon kasi, wala pa ring telefantasyang nakapapantay sa epektong naging dulot ng mga Sang'gre sa akin. Maaaring biased lang din ako pero anomang ganda ng mga special effects ngayon, nagiging baduy pa rin ang mga makabagong telefantasya sa tuwing itinatabi na sa Encantadia. Mahalaga rin kasing isipin na hindi lang special effects ang makabuluhang elemento ng isang palabas. Importante rin na mayroon itong mga kagiliw-giliw na karakter, at mga magagandang temang mahusay na naipapakita.
Si AMIHAN - diwata ng HANGIN (.gif mula sa tumblr post ni Jared) |
Si PIRENA - diwata ng APOY (.gif mula sa tumblr post ni Jared) |
Sina Amihan, Pirena, Alena, at Danaya ay hindi ko pa rin malimutan! Hinahanap-hanap ko pa rin ang mga karakter nila sa mga panibagong female protagonists ng (talaga namang napakaraming) mga programa ngayon kung saan pawang mga babae ang bida. Yung angas ng kanilang asta, yung pusong mayroon ang karakter nila...hindi ko na nakita pa muli sa kahit kaninong istorya. Gusto ko muling masilayan ang kanilang kakaibang personalidad: palaban kahit na nahihirapan, matapang kung titingnan ngunit nakararamdam pa rin naman. Ang mga babaeng ito ay hindi basta-basta. Sila ang nagpaikot sa mundo ng Encantadia at sa kaharian ng Lireo. Pinakita nilang maaari ring mamuno ang mga babae - maging sa mga digmaan. Sila ang bumago sa kung anomang maliit na pagtingin ko noon sa kababaihan.
Si DANAYA - diwata ng LUPA (.gif mula sa tumblr post ni Jared) |
Si ALENA - diwata ng TUBIG (.gif mula sa tumblr post ni Jared) |
Ang Mga Brilyante.
Ang programa ring ito ang nagpakilala sa akin sa apat na elementong madalas ikutan ng maraming kwento: hangin, lupa, apoy, at tubig sa anyo ng mga brilyante. Kapangyarihan ang bigay nito sa magkakapatid na prinsesa at kung paano nila ito gagamitin ang inaabangan ko gabi-gabi. Sa tuwing ginagamit ito ng mga karakter, talaga namang humahanga ako at naghahangad ring magkaroon ng brilyante. Encantadia ang nagsimula ng aking pagkahilig sa mga kwentong umiikot sa apat na elementong bumubuo sa ating daigdig. Kahit hindi ako mahilig sa anime, nagustuhan ko ang palabas na Avatar: The Last Airbender dahil lamang sa pagpapakita rito ng mga taong nakakokontrol ng mga elemento. Bagaman hindi na ako bata, hindi nawawala sa imahinasyon at pangarap ko ang magkaroon ng kapangyarihang kontrolin din ang mga ito upang magawa ang mga imposibleng bagay gaya ng paglipad.

Ang Salaysay.
Ang Mag-iinang Sang'gre (Larawan mula sa post ni Elah) |
Ang mga SANG'GRE (Larawan mula sa tumblr post ni Seinaka) Seinaka, Jin. Mga Sangre. 2013. tumblrWeb. 22 Feb 2013. <http://seinaka.tumblr.com/post/39470404476/mga-sangre>. |
<< "The Greates Magic is the Power of Love." >>
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~ Ang mga larawan at gif na ginamit ay mula sa mga sumusunod:
http://lionheartv.net/2012/01/who-will-be-next-sanggres-for.html para sa "Ang APAT NA BRIYLANTE: Mga Simbolo ng Kapangyarihan sa Encantadia"
http://mypinoy.tv/tv-unlimited/pinoy-serye/encantadia-avisala/ para sa "Ang Apat na Bida"
http://superelahstic.tumblr.com/post/26395196301/encantadia-if-youre-one-of-those-kids-who-loved para sa "Mga Tauhan sa Encantadia" at "Ang Mag-iinang Sang'gre"
http://whatsupjared.tumblr.com/post/31799433647 para sa "Si PIRENA - Diwata ng APOY", "Si AMIHAN - Diwata ng Hangin", "Si ALENA - Diwata ng TUBIG", at "Si DANAYA - Diwata ng LUPA"
http://seinaka.tumblr.com/post/39470404476/mga-sangre para sa "Ang mga SANG'GRE"

Subscribe to:
Posts (Atom)